Gusto ko magsulat.
Hindi ko alam kong bakit napakasarap iyong pakiramdam kapag naisusulat ko ang lahat ng nasa isipan ko. Pakiramdam ko, naibuhos ko lahat ng mga iniisip ko sa isang garapon na walang laman. Parang nilipat ko sa garapon iyong mga bagay na nakapagpagulo sa aking isipan.
Minsan hindi ko na rin alam kung ano ang gusto kong isulat pero sumusulat pa rin ako dahil nais kong magsulat. Gusto ko balang araw, kapag ako'y nakalimot, maalala ko ang maraming bagay sa aking buhay sa pamamagitan ng pagbabasa ng aking mga likha. Minsan hindi ko rin alam kung paano ko isulat ang aking mga saloobin, kung ano ang tamang salita o kung paano ko isusulat na maiintindihan din ng mga mambabasa.
Pero kahit ano pang hadlang para hindi ako makapagsulat, ginagawa ko pa rin ito dahil gusto ko at dahil masaya ako.